Tapos na!
As usual ano ba ginawa ko maghapon kundi basahin yong New Moon (Stephenie Meyer). At tapos ko na ngayon, kanina lang .. lol! Bilis grabe! Medyo naiinis ako sa nangyari sa libro. Sana man lang nagkaron ng relasyon sina Bella at Jacob. Parang naaawa tuloy ako kay Jacob.. Nweiz ayun mamaya pagkatapos kong mag-update dito ay sisimulan ko na ung Eclipse, pangatlong libro nya. Next week ko na bibilhin ulit ung huling book nya at siguradong makapal ung libro na yon, siguro aabutin ako ng 3 days sa pagbabasa non. Sigurado matatapos ko na rin itong Eclipse hanggang Friday .. hahaha. .. naeexcited na ako na mangyayari talaga at hindi na ako makapaghintay sa movie nya. Naiinis ako kase wala akong nakita sa website kong kelan ipapalabas dito sa London yong Twilight, wala talagang nakalagay buti pa sa pinas meron na kaso next year pa nila mapapanood don. Pero meron naman internet pagtyatyagaan ko na lang panoorin dito tapos bibilhin ko na lang ung dvd nya dito sa internet.
Bukas may appointment si Julius kay Dr. Studnik, 12pm kaya okay lang kahit late ako magising. Tapos tutupad pa pala din ako bukas ng 8pm .. grabe .. busy talaga. Tapos sa Friday ng 9:30am may appointment ulit si Julius kay Hannah, tapos di ko maalala ung appointment ko kay Victoria sa friday din pero alam ko tanghali un pero ipapacancel ko dahil sa appointment ni Julius. Kakapagod din kase ung labas ng labas.
Kinakabahan ako na talagang interview ko sa UNIQLO sa 26. Sana lang talaga makuha ako .. I’m sure marami ang nagaapply don. Sana makuha naman ako ..

Ako ay si Gelah o "ishii", bente-dos at kasalukuyang nakatira dito sa Inglatera. Isang walang magawang tao. Ang blog na ito ay ginawa para ilahad ang
pang-araw-araw na nangyayari sa akin. Hindi ganun kaespesyal pero kelangan pa ring respetuhin ang mga pinaglalalagay ko dito.
Kong ayaw nyo ako, wag kayong magbabasa at lalong wag kayong magkokomento kong aawayin nyo lang ako dahil siguradong wala din makakabasa at tatanggalin ko rin kaagad.